1. Home
  2. Politika
  3. Imigrasyon

Premier tumanggi na humingi ng tawad para sa komento tungkol sa mga imigrante

NDP MPP nanawagan para sa apology, sinabi na offensive ang mga komento ni Doug Ford

Close up shot ni Doug Ford.

Si Ontario Premier Doug Ford.

Litrato: La Presse canadienne / Geoff Robins

RCI

Tumanggi na humingi ng tawad si Ontario Premier Doug Ford para sa mga komento na kanyang binitawan tungkol sa mga imigrante.

Matapos ang isang hindi kaugnay na anunsyo noong Lunes sa Windsor, Ontario, nagsalita si Ford tungkol sa pinakamalaking problema ng Ontario, ang shortage ng mga manggagawa partikular sa trades at construction.

Sinabi niya na ang mga tao na nais pumunta at magtrabaho ng dibdiban tulad ng bawat bagong Canadian ay dapat magtungo sa Ontario, ngunit ang mga tao na gusto lang kumolekta ng pera at umupo lang ay dapat pumunta sa ibang lugar.

Sa gitna ng question period sa lehislatura noong Miyerkules, sinabi ni New Democrat Doly Begum na ang mga komentong ito ay offensive sa mga pamilya na kagaya ng sa kanya, na pumunta sa Ontario upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan, at nanawagan para sa apology.

Sinabi ni Ford na siya ay pro-immigration, kahit saan pa galing ang mga tao, at ang kanyang support base ay binubuo ng mga tao mula sa buong mundo - ngunit hindi siya humingi ng tawad.

Sinabi ng Ontario Council of Agencies Serving Immigrants na si Ford ay hindi dapat nagpo-promote ng xenophobic tropes tungkol sa mga imigrante.

PANOORIN | Doug Ford hindi hihingi ng paumanhin para sa mga komento tungkol sa mga imigrante:

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Ang video ay mula sa The National ng CBC.

Mga Ulo ng Balita