1. Home
  2. Ekonomiya

Inflation rate ng Canada tumalon sa 4.4%, ang pinakamataas sa nakalipas na 18 taon

Ang presyo ng pagkain ang major contributor sa pagtaas ng inflation rate

Isang lalaki na naka-mask at helmet ng bisikleta namimili sa palengke.

Isang mamimili ang bumibili ng gulay sa Kensington Market sa Toronto noong Oktubre 19.

Litrato: CBC / Sam Nar

RCI

Tumaas ang inflation rate ng Canada ng 4.4 per cent nitong Setyembre, ang pinakamataas sa nakalipas na 18 taon. Mas mataas ang presyo ng transportasyon, tirahan at pagkain na nagdulot ng pinakamataas na pagtalon sa cost of living.

Sinabi ng Statistics Canada ngayong Miyerkules na ang transportation index, kasama ang gasolina, ay tumaas ng siyam na porsyento. Ang cost ng tirahan ay tumaas din ng 4.8 porsyento sa nakalipas na taon, habang ang presyo ng pagkain ay tumaas ng 3.9 porsyento.

Ang presyo ng gasolina ay tumaas ng halos 33 porsyento sa nakalipas na taon, ayon sa data agency.

Ang presyo ng halos lahat ng klase ng pagkain ay tumaas din nang husto, lalo na ang karne, na tumalon sa annual pace na 9.5 porsyento. Ito ang pinakamabilis na pace ng increase sa meat prices mula 2015.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita