1. Home
  2. Politika
  3. Pangprobinsiyang Politika

Hindi sapat ang $280M na pondo ng Quebec upang labanan ang homelessness

Nais ng junior health minister na magkaroon ng stable funding ang organisasyon na lumalaban sa homelessness

Isang lalaki na natutulog sa bangko ng isang parke.

Ang bagong plano ay nilatag noong Lunes ni Lionel Carmant, junior health minister ng Quebec na sinabing nais ng probinsya na pagsamahin ang shelters.

Litrato: Radio-Canada / Ivanoh Demers

RCI

Ang gobyerno ng Quebec ay mag-i-invest ng $280 milyon sa susunod na limang taon upang agad na mabigyan ng tirahan ang mga homeless na tao at para maiwasan ang homelessness sa at-risk populations.

Ang plano ay tinawag na S'allier devant l'itinerance, na ang ibig sabihin ay nagkakaisa laban sa homelessness at ang pondo ay ikakalat sa buong probinsya.

Ito ay inihayag noong Lunes ni Lionel Carmant, junior health minister ng Quebec na nag-anunsyo sa lumang Hotel Dieu hospital - isa sa mga sites na naging homeless shelter sa panahon ng pandemya habang nag-ispaik ang demand para sa serbisyong ito.

Sinabi ni Carmant na umaasa siyang magiging mas matatag ang pagpopondo sa mga organisasyon na lumalaban sa homelessness.

Nais namin na pagsamahin ang mga shelters lampas ng winter period sa loob ng 12 buwan, ngunit gusto rin namin tulungan ang mga taong namumuhay sa ganitong sitwasyon na makamtan ang autonomous living, aniya.

Kasama sa plano ang $77 milyon para sa mga taong kasalukuyan o nasa peligro ng pagiging homeless, at $14 milyon para sa pagbabawas ng homelessness sa mga Indigenous people.

May $10 milyon din na nakatabi para sa mga kababaihang homeless.

Sa loob ng buong taon, magkakaroon ng lugar para may matirahan sila. Kung ang homeless na tao ay handa na para sa independent housing, magkakaroon siya ng mga resources bilang suporta, ani Carmant.

Sinuportahan ang plano ng mga physicians

Ang action plan ng Quebec ay dinevelop matapos ang dalawang taon na konsultasyon. Kabilang sa stratehiya ang 30 hakbang na nakapokus sa prevention, partikular sa pagtulong sa mga taong aalis ng youth centres, kulungan o addiction programs.

Halimbawa, ang plano ay magbibigay ng rent subsidies para sa mga batang aalis ng youth centres at popondohan din ang kanilang pag-aaral.

Ang Association des médecins psychiatres du Québec (AMPQ), ang asosasyon ng mga psychiatric physicians ng Quebec ay sinabi na ang plano ay nagbibigay ng malinaw at epektibong vision.

Ito ay isang approach na nakatuon sa prevention, support at inclusion, ani Dr. Claire Gamache, presidente ng Association des médecins psychiatres du Québec sa isang pahayag.

Inilagay ng gobyerno ang kanilang prayoridad sa tamang lugar at nagpo-propose ng isang malinaw at balanseng vision upang labanan ang homelessness.

PANOORIN | Paano makakaapekto ang iyong boto sa pagma-manage ng Montreal sa homelessness:

Advocates mas marami raw ang dapat gawin para lutasin ang problema

Subalit hindi lahat ay nakikita ang investment na ito bilang cure-all sa problema na palala nang palala.

Si Nakuset, pinuno ng Resilience Montreal, isang day centre malapit sa Cabot Square ng siyudad ay sinabi na ang pagpapalakas sa pondo ay laging pinapahalagahan.

Ngunit, hindi ito sapat, aniya.

Parang napakalaking halaga nito hanggang hatiin mo sa limang taon, aniya.

Sa oras na hinati mo ito sa limang taon, sasabihin mo ‘that’s it?’ Ilang shelters ang mayroon at ilan pa ang kailangang ipatayo?

Sumang-ayon si James Hughes na nagpapatakbo ng Old Brewery Mission na ang Quebec ay hindi nag-i-invest ng sapat na pera upang wakasan ang homelessness sa buong probinsya.

Ngunit mas maraming pera ang na-invest ngayon kaysa dati, dagdag niya, at sapat na iyon upang magkaroon ng pagkakaiba.

Inaasahan namin na makita kung paano ito iro-roll out sa paglipas ng panahon, makita ang lahat ng mga detalye, ngunit ngayon isa itong magandang araw para sa mga nasa homeless sector, at sa mga taong nakatira sa lansangan, ani Hughes.

Sinabi ni Neila Ben Ayed, direktor ng women's services sa Old Brewery Mission na ang mga serbisyo para sa mga kababaihan na nakakaranas ng homelessness ay ilang taon ng kulang sa pondo.

Kaya masaya siya na may perang itinabi para sa mga kababaihan.

Gusto namin na siguraduhin bilang organisasyon na walang babae na titira sa lansangan at nagkaroon ng mga solusyon para sa kanila, aniya.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita