1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Politika sa Estados Unidos

Dating U.S. secretary of state Colin Powell namatay sa komplikasyon mula COVID-19

Si Powell ang unang African-American secretary of state ng Estados Unidos.

Colin Powell.

Ang dating secretary of state na si Colin Powell noong siya ay nagsalita sa 2020 Democratic National Convention.

Litrato: (Democratic National Convention/The Associated Press)

RCI

Namatay si Gen. Colin Powell dahil sa mga komplikasyon mula COVID-19 ngayong Lunes, ayon sa kanyang Facebook page. Si Powell ang dating U.S. secretary of state at chairman ng Joint Chiefs of Staff. Siya ay 84 anyos.

Sa post, sinabi ng kanyang pamilya na si Powell ay fully vaccinated at ginamot sa Walter Reed National Medical Center sa Bethesda, Maryland, U.S.

Sa kanyang mahabang military career kabilang ang pagsisilbi sa Vietnam War, sumikat sa publiko si Powell bilang chairman ng Joint Chiefs of Staff sa panahon ng unang Gulf War noong 1990-91.

Ninomina rin si Powell ni President George W. Bush upang magsilbi bilang secretary of state noong 2001.

Si Powell ang kumatawan sa administrasyon sa United Nations, sinabi niya na nakumpirma ng U.S. intelligence ang pagkakaroon ng weapons of mass destruction ng Iraq na napatunayang hindi totoo.

Kinalaunan lumayo siya mula sa Republican Party at inendorso ang mga Democrat na sina Barack Obama, Hillary Clinton at Joe Biden sa presidential campaigns.

Isang artikulo ng Thomson Reuters na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita