1. Home
  2. Kalusugan
  3. Public Health / Pampublikong Kalusugan

Bagong plano ng Ontario para tanggalin ang COVID-19 restrictions iaanunsyo next week

Ang daan patungo sa paglabas ng Stage 3 ng ‘Roadmap to Reopen’ ay magiging maingat

Isang lalaki na naka-mask papasok ng pintuan.

Iaanunsyo ng Ontario ang revised COVID-19 pandemic plan sa susunod na linggo na naglalarawan kung paano lalabas ang probinsya sa Step 3 ng 'Roadmap to Reopen,' sinabi ng isang senior official sa gobyerno ni Premier Doug Ford sa CBC News.

Litrato: CBC / Evan Mitsui

RCI

Ibabalita ng gobyerno ni Premier Doug Ford ang bagong plano upang tanggalin ang mas maraming COVID-19 public health restrictions sa susunod na linggo, napag-alaman ng CBC News.

Kabilang sa pagluwag ng pandemic measures ang pagtatapos ng mga limit sa kapasidad sa lahat ng lokasyon kung saan umiiral ang proof-of-vaccination requirements tulad ng restaurants, bars, at gyms, sinabi ng senior official sa gobyerno ni Ford noong Miyerkules.

Nagbigay ang opisyal ng impormasyon ukol sa plano ng gobyerno sa kondisyon ng anonymity. Sumang-ayon ang CBC News na hindi pangalanan ang opisyal upang maagang ipaalam sa publiko ang anunsyo.

Ang Ontario ay nasa sa Step 3 ng tinatawag ng gobyerno na Roadmap to Reopen (bagong window), mula pa noong Hulyo. Sinabi ng opisyal na oras na upang ipahayag ang revised pandemic plan na isinasaalang-alang ang tagumpay ng probinsya sa pagbabakuna ng populasyon laban sa COVID-19 habang kinokontrol ang mas nakakahawang delta variant ng coronavirus.

Utang namin sa mga tao ang malinaw na plano sa pag-exit sa roadmap, ani ng opisyal sa interbyu. Ang trabahong ito ay nagsimula maraming buwan na ang nakalipas, pina-finalize na namin ngayon ang plano at inaasahan namin na mailalabas na ito late next week.

Hindi tatanggalin ng gobyerno ng Ontario ang lahat ng public health measures at magkukunwari na tapos na ang pandemya, ani ng opisyal habang tinutukoy na mananatili ang pagsusuot ng mask indoors.

Gayunpaman, nasa plano na maaaring tanggalin ang physical distancing at capacity limits sa mga settings kung saan hindi required ang proof of vaccination tulad ng mga lugar ng pagsamba, sabi ng opisyal.

Nakasaad din sa plano ang mga kondisyon na mag-uudyok sa gobyerno na ibalik ang restrictions on a targeted at local basis kung magkakaroon ng anumang ispaik sa mga bagong impeksyon.

Tumanggi ang opisyal na sabihin kung anong araw iaanunsyo ang plano sa susunod na linggo at hindi rin siya nagbigay ng petsa kung kailan luluwagan ang measures. Sinabi ng gobyerno dati na ang digital proof-of-vaccination app ng Ontario ay ilulunsad sa Oktubre 22 (bagong window), Biyernes sa susunod na linggo.

Ang balita na mas maraming restrictions ang tatanggalin ay dumating pagkatapos makita ng Ontario ang average 500 new cases ng COVID-19 araw-araw. Ang pitong araw na average ay tuloy-tuloy na nag-trend pababa mula noong Setyembre 5 kahit nagbukas na muli ang mga eskwelahan sa probinsya para sa dalawang milyong elementary at secondary students.

Katunayan, ang pagbabalik ng in-person classes ay hindi nag-produce ng ispaik sa overall number of cases ng probinsya. Ito ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit naniniwala ang gobyerno na oras na upang lumabas sa Step 3 ng roadmap, sabi ng opisyal.

Ang iba pang key factors ay ang vaccination rate ng probinsya at ang maliit na ebidensya ng virus transmission sa mga lokasyon kung saan ipinapatupad ang vaccine-passport system ng Ontario (bagong window) mula Setyembre 22.

Ang pinakahuling provincial figures ay nagpapakita na 83 per cent ng Ontarians edad 12 pataas ay fully vaccinated na laban sa COVID-19 at dagdag limang porsyento ang nabakunahan na ng isang dose.

Napanood at natutunan natin ang mga leksyon mula sa ibang probinsya na maagang nagbukas, wika ng opisyal. Patuloy tayong magiging maingat.

Gayunpaman, kinilala ng opisyal na isang pagkakamali para sa gobyerno ang ianunsyo ang pagtatanggal sa capacity limits ng sports venues, sinehan at teatro (bagong window) na hindi inanunsyo ang plano para sa mga restaurants, bars at gyms. Nahuli ang balita noong Biyernes ng hapon bago mag-long weekend.

Ang kilos na ito ay napakinabangan ng NHL teams ng Ontario sa pamamagitan ng pagbibigay sa Toronto Maple Leafs ng pagkakataon na maglaro ng kanilang home opener sa harap ng capacity crowds noong Miyerkules ng gabi at ang Ottawa Senators naman noong Huwebes.

Kaya naman nagalit ang mga restaurant owners (bagong window) dahil dito.

Sinabi na dati ng mga miyembro ng Ford government at ni Chief Medical Officer of Health Dr. Kieran Moore na ang pangunahing layunin ng Ontario ay iwasan ang karagdagang lockdowns. Ang anumang paghihigpit ng measures sa hinaharap ay iaayon sa pagpigil ng outbreaks na ang layunin ay bawasan ang pagkagambala sa pamumuhay ng tao.

Kasama sa bagong plano ang guidance ukol sa pagbibiyahe at mga detalye kung kailan magta-transition ang proof-of-vaccination program (bagong window) mula mandatory patungong voluntary, ayon sa opisyal. Magkakaroon ng mas magandang ideya ang mga Ontarians kung ano ang kanilang maaasahan sa mga susunod na buwan habang patuloy nating hinaharap ang COVID-19, dagdag pa ng opisyal.

Ang kasalukuyang description sa reopening plan ng Ontario sa website ng probinsya (bagong window) ay sinasabi na ang majority ng public health measures na umiiral sa ilalim ng Step 3 ay tatanggalin kapag kumilos na ang Ontario patungo sa susunod na phase ng pandemic response nito.

Sinabi rin sa website na kasama rito ang pagtatanggal sa capacity limits sa lahat ng sektor at ang pagtatanggal sa requirements para sa active screening ng mga kostumer at manggagawa.

Ang COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay ng mahigit 9,800 katao (bagong window) sa Ontario mula Marso 2020.

Isang artikulo ni Mike Crawley (bagong window) na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita