1. Home
  2. Mga Hukuman at Krimen
  3. Mga Aksidente at mga Kalamidad

Vale sasagipin ang 39 empleyado na na-trap sa minahan sa Ontario mula pa noong Linggo

Ang lahat ng empleyado ay ligtas at kumikilos palabas ng minahan, ayon sa Vale

Top shot ng minahan.

Ang minahan ng Totten ay sinara noong 1972, ngunit gumawa ang Vale ng technological advances at pinayagan itong buksan muli noong 2014.

Litrato: VALE

RCI

Ang tatlumpu’t siyam na empleyado ng Vale ay na-trap sa ilalim ng Totten Mine sa Sudbury, Ontario noon pang Linggo, ayon sa kompanya.

Ligtas ang mga minero at kasalukuyang kumikilos palabas ng minahan via secondary ladder system, ayon sa news release ng kompanya bago nakausap ng CBC.

Sinabi ng tagapagsalita ng Vale na si Danica Pagnutti na kailangang umakyat sa ladder system na may maraming resting stations sa daan.

Sinabi ni Pagnutti na ang mga minero ay na-trap sa mga level na nasa pagitan ng 914 at 1,219 na metro sa ilalim ng lupa.

Unang sinabi ng Vale na nagkaroon ng insidente sa minahan sa kanlurang bahagi ng Greater Sudbury noong Linggo ng hapon kaya naging offline ang conveyance na nagdadala sa mga empleyado. Ang conveyance system, na karaniwan na tinatawag na hawla, ay napinsala nang ginamit upang i-move ang malaking piraso ng equipment na nakabangga rin nito.

Sinabi ni Pagnutti na walang nakasakay sa hawla ng ito ay napinsala.

Mga minero natawagan ang kanilang pamilya mula sa minahan

Ang 39 na empleyado ay nagtatrabaho sa ilalim ng lupa noong panahon na iyon at kaagad tumakbo sa refuge station, kung saan mayroon silang access sa pagkain at tubig.

Ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga empleyado, ani Pagnutti. Kami ay malapit na nakikipag-ugnayan sa mga pamilya. Natatawagan ng mga empleyado ang kanilang mga pamilya mula sa minahan at in touch sa kanila. Ang pokus namin ay ang kaligtasan ng mga empleyado.

Sinabi ng kompanya na magbibigay sila ng karagdagang update kapag naging available na ito.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita