1. Home
  2. Kalusugan
  3. Coronavirus

Canada nangakong tutulungan ang Alberta sa pag-airlift ng mga COVID-19 patients

Ang mapaminsalang fourth wave ng pandemya sa Alberta ay nasa 20,304 active cases na noong Miyerkules

Isang medical staff employee na naka-scrub, face shield at N95 mask na nagpapalit ng IV fluid sa ospital.

Patuloy na tumataas ang bilang ng COVID-19 patients sa probinsya ng Alberta. (Archives)

Litrato: (Evan Mitsui/CBC)

RCI

Sinabi ni Public Safety Minister Bill Blair na tutulong ang gobyerno ng Canada pagkatapos makiusap ng Alberta na i-airlift ang mga COVID-19 patients, ICU-registered nurses at respiratory therapists.

Pormal na nag-request ng federal aid si Alberta Municipal Affairs Minister Ric McIver sa isang liham kay Blair noong Martes.

Nahihirapan ang mga ospital sa Alberta na makipagsabayan sa mapaminsalang fourth wave ng pandemya. Nakapagtala ang probinsya ng 20,304 active cases noong Miyerkules - higit na mas marami ng dalawang beses kaysa sa ibang probinsya o teritoryo.

Nag-tweet si Blair noong Huwebes na sasagutin ng gobyerno ng Canada ang hinihinging tulong ng Alberta.

Sinabi ni Blair na ang federal assistance na ito ay maaaring dumating sa anyo ng medical resources ng Canadian Armed Forces at aero-medical evacuation capability, Canadian Red Cross resources at iba pang federal health resources.

Ang Liberal government ay palaging nandito para suportahan ang mga Canadian sa oras ng kanilang pangangailangan, itinuweet niya.

Ang ICU capacity ng Alberta ay nasa 87 per cent. Kung wala ang dagdag na surge beds - na sinasabi ng mga health care workers na kulang naman sa staff - ang probinsya ay aabot sa 169 per cent ng baseline ICU capacity nito.

Sa ngayon, mayroong 302 na pasyente sa intensive care sa Alberta. Karamihan sa kanila ay ginagamot para sa COVID-19 - ang pinakamataas na numero ng ICU patients ng probinsya mula ng magsimula ang pandemya.

Kinansela ang mga surgeries sa buong probinsya para ma-free up ang mga health care workers na harapin ang krisis.

Hindi sinabi sa tweet ni Blair kung kailan magsisimula ang airlifts. Sinabi ng minister na ang request para sa assistance ay aaprubahan ng mabilis.

Isang artikulo ni Catharine Tunney (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita