1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Kalusugan

U.S. CDC advisers inirekomenda ang COVID-19 boosters para sa edad 65 pataas, high risk

Binigyang daan ng boto ang pagbabakuna ng booster shots sa milyong-milyong Amerikano ngayong linggo

Isang vial ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Maaaring mabakunahan na ng Pfizer COVID-19 booster shots ang mga senior na Amerikano at high risk adults ngayong linggo.

Litrato: AFP / Robyn Beck

RCI

Inirekomenda ng advisory panel ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang pagbibigay ng booster shot ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine para sa mga Amerikanong edad 65 pataas at matatanda na may mga underlying medical condition.

Ang boto ng grupo noong Huwebes ay magbibigay daan para sa booster roll-out na magsisimula ngayong linggo para sa milyong-milyong tao na naturukan ng pangalawang dose anim na buwan na ang nakalipas.

Sinundan nito ang emergency use authorization mula sa U.S. Food and Drug Administration (FDA) para sa booster shot ng Pfizer vaccine para sa mga senior edad 65 pataas at para sa ilang matatanda na nasa high risk na magkasakit ng malubha mula sa COVID-19.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita