1. Home
  2. Politika
  3. Public Finances / Pampublikong Pananalapi

Pandemic costs mag-iiwan ng $94M na butas sa budget ng Toronto sa pagtatapos ng taon

Kampante si Toronto Mayor John Tory na iko-cover ng federal at Ontario government ang kakulangan

Head shot ni John Tory.

Ang mayor ng siyudad ng Toronto na si John Tory. (Archives)

Litrato:  (Evan Mitsui/CBC)

RCI

Ang mga gastos na kaugnay ng pandemya ay mag-iiwan ng $94 milyon na kakulangan sa budget ng siyudad ng Toronto sa pagtatapos ng taon. Ito ang nakasaad sa bagong report na ibinigay sa executive committee ni Mayor John Tory.

Ang butas sa pananalapi ay maaaring tumaas kung walang mahahanap na solusyon upang mahinto ang paglaki nito, saad ni chief financial officer Heather Taylor sa kanyang report na ipapakita sa komite ngayong Huwebes.

Ngunit sinabi ni Tory na siya'y kampante na iko-cover ng federal at provincial governments ang kakulangan, na karamihan sa mga ito - mga $74 milyon - ay dahil sa pagkalugi ng Toronto Transit Commission (TTC).

Ang mga sumasakay at kita ay bumulusok noong kasagsagan ng pandemya, ani Tory.

Tungkol sa muling nahalal na gobyerno sa Canada, masasabi ko na isa itong gobyerno na nauunawaan ang mga siyudad, ani Tory.

Nauuwanaan nila na ang isang malaking siyudad tulad ng Toronto ay hindi maaaring mag-operate ng isang klase ng transit system na nangalahati dahil bumagal ang ridership.

Ang report ay isang review kung tugma ang paggastos at kinikita ng siyudad sa $14 bilyon na operating budget na ipinasa ng konseho noong Pebrero.

Parehong pinuri ni Tory at budget chief Coun. Gary Crawford ang provincial government sa kanilang willingness na tulungan ang siyudad sa mga gastusin na kaugnay ng COVID.

Tiwala kami na ang parehong lebel ng gobyerno ay susuportahan kami, ani Crawford. Ngunit kung hindi mag-materialize ang pondo na ito, pupunan daw ng siyudad ang kakulangan sa pamamagitan ng pangungutang sa capital budget para sa susunod na taon - isang aksyon na maaaring maging sanhi ng pagkaantala o pag-abandona sa mga paparating na proyekto.

Walang service cuts, ani mayor

Ang capital budget ng siyudad ang nagko-cover sa one-time physical costs tulad ng pagpapatayo ng mga community centre, tulay at daan.

Sinabi ni Crawford na masyado pang maaga upang sabihin na ang mga proyektong ito ay maaapektuhan. Ang mga diskusyon sa 2022 budget ay magsisimula sa Nobyembre.

Anuman ang mangyari sa pondo mula sa ibang lebel ng gobyerno, ang kakulangan ay hindi pupunan sa pamamagitan ng pagputol sa mga serbisyo o pagdagdag ng property taxes lampas sa rate ng inflation, ayon kay Tory.

Ito ang oras, sa panahon ng pandemya, na kailangan ng tao ang mga serbisyong inaalok ng siyudad.
Toronto Mayor John Tory

Sinabi ni Tory na ang staff ng siyudad ay patuloy na gagawin ang naturingang heroic efforts na ginawa ng public servants upang iwasan ang paggasta.

Isang artikulo ni Michael Smee (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita