1. Home
  2. Lipunan
  3. Indigenous / Katutubo

National Day for Truth and Reconciliation dapat maging taimtim na araw ng pagninilay

‘Kailangang tratuhin ito na parang Remembrance Day,’ sabi ni Michelle Good na may-akda ng Five Little Indians

Nasa hagdan sa tapat ng building ang mga orange na t-shirt na nagsasabing every child matters.

Mga sapatos, teddy bears at orange t-shirts ang inilagay sa harap ng British Columbia Legislature noong Hunyo 9. Ang unang National Day for Truth and Reconciliation ay magaganap sa Setyembre 30, kilala rin ito na Orange Shirt Day.

Litrato:  CBC / Mike McArthur

RCI

Tatlong First Nations na kababaihan ang nagsasabi na ang Canadians ay dapat magnilay sa unang National Day for Truth and Reconciliation sa Setyembre 30 tungkol sa kasaysayan at makiisa sa mga event.

Sa tingin ko talaga dapat tratuhin ito na parang Remembrance Day, ani Michelle Good, may-akda ng award-winning na libro na pinamagatang Five Little Indians na isinasalaysay ang paglalakbay ng limang residential school survivors.

Close up ni Michelle Good.

Si Michelle Good, may-akda ng 'Five Little Indians.' (Archives)

Litrato: Kent Wong

“Isa itong taimtim na araw at dapat may mga events na sumasalamin sa kasolemnihan nito at lubos akong umaasa na magkakaroon,” aniya.

Si Good na mula sa Red Pheasant Cree Nation sa Saskatchewan, ay sinabi na ang kanyang ina, mga tiya, tiyo, pinsan at lolo't lola ay naapektuhan lahat ng residential schools.

Ang residential schools sa Canada ay mga paaralan na pinondohan ng gobyerno at pinatakbo ng simbahan para turuan ang mga katutubong First Nations, Métis at Inuit na mga bata na maging bahagi ng lipunan ng Canada.

Ang mga paaralan na ito ay nag-operate sa Canada sa loob ng mahigit 160 na taon simula 1883 (bagong window). Mahigit 150,000 na mga bata ang ipinadala para mag-aral dito. Ang karamihan ay hindi na nakabalik.

Ang huling residential school ay nagsara sa Saskatchewan noong 1996.

Sinusuportahan ni Good ang bagong holiday at sinabing masaya siya sa pagtaas ng kamalayan tungkol sa legasiya ng mga paaralan.

Ang mga Indigenous people ay dinala ang pasanin na turuan ang non-Indigenous Canada kung ano talaga ang mga paaralan na ito at sa tingin ko narating natin ang isang milestone, na ngayon ang natitirang bahagi ng Canada ay kinikilala na ang araw na ito, aniya.

Ang araw na iyon ay minarkahan bilang Orange Shirt Day (bagong window) sa mga nagdaang taon.

Sa palagay ko mas maraming non-Indigenous people ang sasali ngayong taon at sa tingin ko importante ‘yun. Sa tingin ko importante na… ang non-Indigenous at Indigenous people ay parehong magtagpo upang kilalanin ang reyalidad ng magkasama, aniya.

May ilang online events na dadaluhan niya sa Setyembre 30 at magkakaroon siya ng isang maliit na feast ceremony para sa mga bata na hindi na nakauwi sa kanilang tahanan.

‘Isang mahirap na araw’

Setyembre 30 ang magiging kauna-unahang federal statutory holiday para sa National Day for Truth and Reconciliation. Ang ilang probinsya at munisipalidad ay ipagdiriwang ang araw na iyon.

Sinabi ni Emily Riddle, senior advisor para sa Indigenous relations sa Edmonton Public Library, na kahit hindi kinikilala ng probinsya ng Alberta ang holiday, ang organisasyon na pinagtatrabahuhan niya ay magkakaroon ng day off.

Plano ni Riddle, isang Cree mula sa Alexander First Nation sa Alberta, na dumalo sa isang women’s pipe ceremony depende sa public health restrictions ng Alberta.

Sinabi niya na ang non-Indigenous Canadians ay kailangang isaisip kung gaano kasensitibo ang araw na ito para sa mga Indigenous people.

Mahirap dahil sa tingin ko ang mga Indigenous people ay tinatawag upang gumawa ng maraming bagay para sa 30th at sa tingin ko kailangan igalang ng mga tao na magiging mahirap ang araw na ito para sa maraming tao na magpapaalala sa maraming bagay.

Naghahanda naman si Isabel Daniels mula sa Sakgeeng First Nation sa Manitoba ng maliliit na regalo para sa residential school survivors na nakakaranas ng homelessness sa Winnipeg.

Bilang program co-ordinator sa Velma's House, isang ligtas na espasyo para sa mga kababaihan at sa mga miyembro ng 2SLGBT na komunidad na nag-identify bilang babae, maraming nakakasalamuha si Daniels na mga tao na nagdurusa pa rin mula sa trauma ng residential schools.

Nakikita ko ang maraming seniors, maraming survivors, na nasa mahirap na sitwasyon sa linya ng trabaho ko. Nakakalungkot na ganito ang sinapit nila sa buhay nang tumanda, ani Daniels. Ang kanyang ina ay umattend ng residential school.

Hindi sila nabubuhay ng malusog at labis na naipit sa trauma at addiction… nararamdaman ko ‘yun dahil nakikita ko ito araw-araw. Nakakadurog ng puso.

Gusto niya raw makakita ng mas maraming available na support para sa survivors na walang tirahan at nakikipaglaban sa addiction.

Sa Setyembre 30, ang Velma’s House ay magho-host ng isang feast at seremonya para sa survivors na walang matirhan at plano raw ni Daniels na pumunta sa Orange Shirt Day powwow na magaganap sa North End ng Winnipeg.

Isang artikulo ni Lenard Monkman (bagong window) na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita