1. Home
  2. Politika
  3. Pangprobinsiyang Politika / Provincial Politics

Tyler Shandro tinanggal bilang health minister ng Alberta ayon sa government officials

Iaanunsyo ni Alberta Premier Jason Kenney ang cabinet shuffle ngayong Martes ng hapon

Nasa harap ng mikropono si Tyler Shandro.

Ang dating Minister of Health ng Alberta na si Tyler Shandro.

Litrato: The Canadian Press / Todd Korol

RCI

Habang nakikibaka ang Alberta sa mapinsalang fourth wave ng COVID-19 na pandemya at nahaharap si Premier Jason Kenney sa kaguluhan sa sarili niyang caucus, kinumpirma ng sources sa CBC News na ang problemadong health minister na si Tyler Shandro ay matatanggal sa kanyang puwesto.

Si Jason Copping, ang kasalukuyang minister ng labour at immigration, ang papalit sa kanyang puwesto ayon sa sources.

Nakatakdang humarap si Premier Jason Kenney sa naka-iskedyul na news conference bandang 3:30 p.m. local time ngayong Martes upang ianunsyo ang cabinet shuffle.

Ang mga pag-aanunsyo na ito ay dumating matapos salantahin ng pandemya ang health-care system ng probinsya at dinala ito sa bingit ng pagbagsak.

Dumating din ito sa parehong araw na nag-isyu ng liham si Alberta minister of municipal affairs, Ric McIver, sa gobyerno ng Canada upang humingi ng tulong sa pagdagsa ng mga pasyente.

May 20,614 active cases ng COVID-19 sa Alberta mula Lunes - higit sa dalawang beses na mas marami kaysa sa ibang probinsya o teritoryo. Ito rin ang unang pagkakataon na lumagpas sa 20,000 ang kaso sa probinsya mula noong Mayo.

Ang update noong Lunes ay nagsasabi na 954 katao ang ginagamot sa ospital at 216 ang nasa intensive care beds. Ang update sa sitwasyon ay ibibigay pagkatapos ianunsyo ang cabinet shuffle.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kay Elise von Scheel.

Mga Ulo ng Balita