1. Home
  2. Agham
  3. Climate Change / Pagbabago ng Climate

Butas sa ozone sa Antarctica mas malaki kaysa karaniwan, ayon sa scientists

Sinabi ng European Union (EU) agency na masyadong lumaki ang butas nitong nakaraang linggo

Mga penguin na naglalakad sa ibabaw ng iceberg.

Isang grupo ng chinstrap penguins ang naglalakad sa iceberg malapit sa Lemaire Channel, Antarctica, noong Pebrero 2020. (Ueslei Macelino/Reuters)

Litrato: Reuters / Ueslei Macelino

RCI

Ayon sa mga scientist, ang butas sa ozone ng Southern Hemisphere ay unusual ang laki at mas malaki na kaysa sa sukat ng Antarctica.

Sinabi ng Copernicus Atmosphere Monitoring Service (bagong window) ng European Union noong Huwebes na ang butas sa ozone na nakikita bawat taon tuwing Southern Hemisphere spring ay lumaki na ng husto nitong nakaraang linggo, kasunod ng average start.

Ipinapakita ng forecasts na ang butas ngayong taon ay nag-evolve sa mas malaking sukat kaysa pangkaraniwan, ani Vincent-Henri Peuch na pinuno ng satellite monitoring service ng European Union.

Nakikita natin ang medyo malaki at potentially malalim na ozone hole, aniya.

Ang atmospheric ozone ang nag-a-absorb sa ultraviolet light na nanggagaling mula sa araw. Kapag nawala ito, makakarating ang high-energy radiation sa mundo kung saan maaaring mapinsala ang mga living cells.

Binigyang-diin ni Peuch na noong nakaraang taon ang ozone hole na ito ay nagsimula unremarkably, ngunit pagkatapos ay naging isa sa longest-lasting na naitala sa record.

Ang Montreal Protocol na pinirmahan noong 1987 ay nauwi sa pagbabawal sa mga kemikal na kung tawagin ay halocarbons na pinagbibintangan na nagpalala sa taunang pagkabutas ng ozone.

Sinasabi ng mga eksperto na sa taong 2060 pa tuluyang matatanggal ang ozone-depleting substances na ito.

Isang artikulo ng The Associated Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita