1. Home
  2. Politika
  3. Pangmunisipal na Politika / Municipal Politics

Homeless nagtipon sa labas ng condo ni Tory, lalabanan ang encampment clearing charges

Sumiklab ang karahasan habang sinubukan ng mga pulis na i-clear ang park encampments noong summer

Gamit ang bakod na gawa sa metal, hinarangan ng mga tao ang mga pulis.

Nagsagupaan ang mga demonstrador at Toronto police officers na nagpatupad ng eviction order sa encampment sa Lamport Stadium noong Hulyo 21.

Litrato:  CBC / Evan Mitsui

RCI

Sinabi ng mga miyembro ng homeless community ng Toronto at ng kanilang supporters na lalabanan nila ang mga kaso na isinampa sa kanila matapos alisin ang encampments sa mga parke ng lungsod noong summer.

Sinabi nila na mahigit 50 katao ang nahaharap sa iba’t ibang charges at tickets na dapat daw ay hindi na ituloy.

Ang karahasan ay sumiklab sa iba’t ibang punto (bagong window) nang dumating ang pulis para paalisin ang mga homeless na nakatira sa mga parke ng Toronto noong mga nagdaang buwan.

Ipinahayag ng grupo ang kanilang concerns sa labas ng condo ni Mayor John Tory ngayong Huwebes ng umaga at sinabi na ang operasyon ang dahilan ng pagkabali ng buto, pagkaalog ng utak, at pagkasugat ng mga tao matapos ang engkwentro sa pulisya.

Sinabi ng pulis na sinusuportahan nila ang staff ng lungsod sa clearing operations at isinagawa ang enforcement bilang huling resort.

Noong unang bahagi ng pandemya, daan-daang tao ang umalis sa homeless shelters ng Toronto dahil sa takot na mahawahan ng COVID-19, nag-set up sila ng mga tent sa mga parke sa buong lungsod. Pinaninindigan naman ng siyudad na ang shelter system ay ligtas. Nagpasa ang city council ng isang mosyon upang tanggalin ang encampments.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita