1. Home
  2. Politika
  3. Mga Pederal na Eleksyon

Canadians nag-set ng bagong record sa advance polls, mahigit 1M boto darating by mail

Halos 5.8 milyon na Canadians ang bumoto sa nakalipas na apat na araw ng advance polling

Hawak ng isang kamay ang voting kit.

Ang mga Canadians na boboto by mail ay makakatanggap ng special ballot voting kit kung saan ilalagay nila ang pangalan ng kanilang napiling kandidato.

Litrato:  CBC / Jane Robertso

RCI

Isang bagong record ang naitala ng mga Canadians sa advance polls. Halos isang milyon na balota ang inaasahang darating by mail habang papasok ang bansa sa huling linggo ng pambihirang halalan sa pandemya.

Sinabi ng Elections Canada noong Martes na halos 5.8 milyon na Canadians ang bumoto sa nakalipas na apat na araw sa advance polling na natapos noong Lunes.

Kumakatawan ito sa pagtaas ng halos 18 per cent mula sa halos 4.9 milyon na Canadians na bumoto sa advance polls noong nakaraang 2019 na halalan. Ito ang dating record na naitala para sa pederal na halalan mula noong 1997.

Gusto kong pasalamatan ang lahat ng botante na nag-take advantage sa advance polls para sa kanilang pasensya at tulong upang gawing ligtas ang karanasan na ito para sa lahat, ani Chief Electoral Officer Stephane Perrault sa isang news release.

Ang organisasyon ay naghahanda rin para sa pagbuhos ng mail-in ballots ngayong linggo habang ang mga botante ay naghahanap ng alternatibong paraan para bumoto sa gitna ng COVID-19 na pandemya. Gayunpaman, ang bilang ng mga Canadian na boboto by mail ay mas kaunti pa rin kaysa sa naunang prediksyon.

PANOORIN | Record number ng Canadians sa advance polls:

Mas marami ng bahagya sa isang milyong Canadians ang nag-request ng special voting kits na maaaring ipadala by mail bago sumapit ang Setyembre 14 na deadline.

Sinabi ng Elections Canada na noong nakaraang buwan inaasahan ng organisasyon na dalawa hanggang tatlong milyong Canadians ang boboto by mail ngayong taon, mas mataas ng 50,000 kaysa noong 2019 na halalan.

Hindi kasama sa special ballot voting kits ang listahan ng mga kandidato - sa halip kailangan isulat ng mga botante ang pangalan ng napiling kandidato sa balota.

Ang mga special ballots ay maaari rin dalhin sa opisina ng Elections Canada. Ginagamit din ito para bumoto sa mga lugar tulad ng ospital at bilangguan.

Sinabi ng Elections Canada na inaasahan nila na ang majority ng special ballots na ni-request ngayong taon ay isa-submit by mail.

Ang mga botante na nag-request ng mail-in kits ay hindi papayagang bumoto in-person sa advance polls o sa araw ng halalan na magaganap sa susunod na Lunes, Setyembre 20.

Delays inaasahan dahil sa mail-in ballots

Bagama’t ang bilang ng mga request ay mababa kaysa sa inaasahang demand, ang mail-in ballots ay expected pa rin na gagawin ang 2021 na halalan na pambihira dahil ang resulta sa close races ay maaaring maantala ng ilang araw.

Nagpaalala si Perrault na ang mga opisyal ng eleksyon ay hindi sisimulan ang pagbibilang ng mail-in ballots hanggang sumapit ang Setyembre 21 upang siguraduhin na ang lahat ng balota na natanggap bago ang cutoff ay maitatala.

Sinabi ni Perrault na maaaring umabot ng dalawa o limang araw bago makumpleto ang pagbibilang ng mail-in ballots na maaaring mag-prevent sa close races na magdeklara ng nanalong kandidato hangga’t hindi kumpleto ang pagbibilang.

Nag-request ang mga botante sa Victoria ng 11,288 special ballots mula noong Setyembre 13, ang pinakamarami sa anumang electoral district sa Canada. Napagpasyahan ang nanalo sa riding na ito sa pamamagitan ng 2,382 na boto lamang noong 2019. Ganito rin ang maaaring mangyari sa mga close race na puwedeng maantala dahil sa pagbibilang ng mail-in ballots.

Sa 2019 na halalan, siyam na ridings ang napagpasyahan ng 500 o mas kaunti pa na boto.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita