1. Home
  2. Politika
  3. Mga Pederal na Eleksyon

Annamie Paul ng Greens sinabi na ang P.E.I. ay ‘proof of concept’ nang huminto sa isla

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumabas sa probinsya ng Ontario si Paul para mangampanya

Nagsasalita si Annamie Paul sa podium habang nasa likod niya ang dalawang babae at isang lalaki.

Nagsalita si Green Party Leader Annamie Paul sa harap ng mga kandidato na tumatakbo para sa partido sa Prince Edward Island.

Litrato:  CBC

RCI

Sinabi ni federal Green Party Leader Annamie Paul na ang nagawa ng mga pulitiko mula sa kanyang partido sa Prince Edward Island (P.E.I.) ay “proof of concept” ng magagawa ng Greens sa federal level.

Dumating ang lider sa Charlottetown Airport noong Lunes ng tanghali. Ito ang simula ng dalawang araw niyang pagbisita sa isla.

Dito, may proof of concept ang mga tao, pruweba na kung iboboto mo ang Green magkakaroon ng pagbabago, aniya.

Para sa atin na nanggaling sa ibang bahagi ng bansa at darating sa P.E.I. makikita nila sa loob ng maikling panahon na ang Greens ay nasa oposisyon, na ang Greens ay nasa lehislatura, na kanilang naipasa… ang 14 na piraso ng lehislasyon, 14 na piraso, at ang pinag-usapan natin dito ay ground-breaking legislation.

Nakatakdang makipagpulong si Paul sa mga estudyante ng University of Prince Edward Island sa isang barbecue, libutin ang isang organic farm at makipagkita sa apat na kandidato na tumatakbo sa probinsya para sa Greens.

Plano niya na tapusin ang araw sa pamamagitan ng pagpunta sa isang pep rally sa gabi.

Ngayong Martes, magkakaroon siya ng mga pribadong pagpupulong at magsasagawa ng isang press conference kasama ang Green candidates kung saan pag-uusapan nila ang mga isyu na nakakaapekto sa Maritime na probinsya.

Walang biyahe

Hanggang ngayon, nangangampanya lang si Paul sa kanyang Toronto Centre riding. Ito ang kauna-unahang kampanya na ginawa niya sa labas ng Ontario.

Sinabi ni Paul na ginugugol niya ang kanyang oras doon para manalo sa kanyang riding. Dagdag pa niya malaking trabaho ang manalo ng seat sa ilalim ng first-past-the-post system.

Naapektuhan din daw ang kanyang kampanya ng pandemya.

Nasa fourth wave pa rin tayo ng pandemya, pero kahit papaano nagkaroon pa rin ako ng oras para lumabas at makisalamuha sa komunidad, aniya.

Wala akong oras, kahit anong oportunidad, na gawin ito dahil nahalal ako sa second wave at nanalo tayo ng dalawa pa mula noon.

Isang artikulo ni Arturo Chang (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita