1. Home
  2. Lipunan
  3. Personal Finances / Personal na Pananalapi

Pagtaas ng upa sa 2022 naka-cap sa 1.5% sa British Columbia

Ang ipinatupad na rent freeze sa pandemya ay mag-e-expire na sa pagtatapos ng taong ito

Sign sa labas ng bahay na nagsasabing for rent.

Ang maximum rent increase na pinapayagan sa 2022 ay naka-set sa 1.5 per cent.

Litrato:  CBC / David Horemans

RCI

Dahil ang province-wide pandemic rent freeze ay matatapos na ngayong taon, inanunsyo ng gobyerno na ang mga nagpapaupa ay hindi maaaring taasan ang rent ng mahigit 1.5 per cent sa taong 2022.

Ang maximum allowable increase ay nakatali sa inflation at inilabas ng Attorney General at ng Ministry na responsable para sa housing noong Miyerkules.

Ang rent hike sa 2022 ay hindi maaaring ipatupad bago mag-Enero 1. Dapat din magbigay ng notice ang nagpapaupa sa tenant tatlong buwan bago siya magtaas ng renta.

Ipinakilala ng probinsya ang rent freeze sa panahon ng pandemya ngunit magtatapos na ito sa Disyembre 31, 2021.

Ang mga nagpapaupa sa British Columbia ay maaari lang magtaas ng renta isang beses sa isang taon. Mula noong 2018, ang rate ng increase ay palaging nakatali sa rate ng inflation.

Ang maximum allowable increase ay hindi nag-a-apply sa mga commercial tenancies, non-profit housing tenancies kung saan ang renta ay nakatuon sa kita, co-operative housing at ilang assisted-living facilities.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita