1. Home
  2. Politika
  3. Pangprobinsiyang Politika / Provincial Politics

Mga magulang nababahala tungkol sa back-to-school ‘non-plan’ ng Ontario

Punong classrooms, delta variant ilan sa mga kinatatakutan ng mga magulang ngayong Setyembre

Mga bakanteng mesa at upuan sa loob ng classroom.

Balik-eskwela na ang mga estudyante sa probinsya ng Ontario, Canada sa darating na Setyembre 2021.

Litrato:  CBC / Jane Robertson

RCI

Ang ibang magulang ay nafu-frustrate dahil kulang sa detalye at patnubay ang back-to-school plan ng Ontario. Hindi raw ito tugma sa realidad sa classroom.

Ang gobyerno ng Ontario sa Canada ay naglabas ng 29-page plan (bagong window) noong Martes ng hapon kung saan nakadetalye ang pagbabalik sa full-time in-class learning ng mga estudyante sa Setyembre.

Nakasaad dito na required ang mga estudyante at staff na magsuot ng mask pero hindi ang magpabakuna. Magbabalik rin ang extracurricular activities at option ang remote learning.

Kinontra ng oposisyon at ng mga unyon ang plano dahil hindi raw ito sapat. Sinang-ayunan naman ito ng ibang magulang.

Tulad lang ito ng mga dating plano na nasa fancy letterhead, ani Malaka Hendela, co-chair ng Ottawa-Carleton Assembly of School Councils. Ito ay isang non-plan.

Sa tingin ni Melaka, mas dapat pagtuunan ng pansin kung kailan gagawing mandatory ang testing dahil sa kumakalat na mas nakakahawang delta variant.

Nababahala rin si Hendala sa kakulangan ng announced funding para sa COVID-19 protections na ipinatupad noong nakaraang school year. Kasama riyan ang mga bagong minandato na patakaran gaya ng high efficiency particulate air (HEPA) filter units.

Inanunsyo ni Education Minister Stephen Lecce na naglaan ng $25 million para sa filtration systems (bagong window) noong Miyerkules ng umaga.

Head shot ni Malaka Hendela kasama ang anak na si Garan.

Nag-aalala si Malaka Hendela (kaliwa) para sa kanyang anak na si Garan ngayong pasukan dahil sa banta ng mas nakakahawang delta variant. Paano ito makakaapekto sa mga batang hindi nabakunahan na papasok sa classroom?

Litrato: Malaka Hendela

Si Mary Crowe, magulang ng dalawang elementary school-age na bata na nagtuturo sa kindergarten sa Connaught Public School sa Ottawa ay nangangamba tungkol sa mas nakakahawang delta variant.

Ito ay tinukoy na isang variant of interest ng World Health Organization bago ang huling linggo ng in-person learning sa Ontario noong Abril (bagong window).

Sinabi ni Crowe na nakita nila noong nakaraang school year na imposibleng magkaroon ng isang teacher para sa isang pangkat ng elementary school students. Lalo na ang panatilihing physically distanced ang mga estudyante sa kasalukuyang class sizes.

Ang bottom line ay magkakaroon pa rin tayo ng… 30 bata na nagsisiksikan sa isang maliit na classroom, aniya.

Hindi ako sigurado na hindi natin makikita ang delta variant na kumalat classroom after classroom ngayong fall.

Lokal na flexibility

Sinabi ni Dr. Paul Roumeliotis, Medical Officer of Health para sa Eastern Ontario Health Unit, na ang approach ng probinsya ay nagbibigay-daan sa kaunting flexibility para sa local health units.

Palagi kaming magsusuri at may abilidad kami locally na baguhin o dagdagan ang restrictions depende sa lokal na sitwasyon, aniya.

Dahil ang mga bata edad 12 pababa ay hindi pa rin eligible na mabakunahan, kailangang siguraduhin na ang mga taong nakapaligid sa kanila ay nabakunahan na para magbigay ng extra ring of protection.

Importante ding sabihin na, alam mo 'yun, kailangan ng mga bata itong face-to-face [time] sa eskwelahan.

Kahit na mayroon siyang nakikitang butas sa plano ng probinsya, nais ni Crowe na mag-balik-eskwela na ang mga bata, basta ligtas sila.

Gustong-gusto ko nang magbukas ang mga eskwelahan para sa akin, para sa sarili kong pamilya, para sa mga anak ko at para sa lahat ng magulang at estudyante sa Ontario, pero ayokong makita ang mga bata na malubhang magkasakit.

Isang artikulo ni Kimberley Molina (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kay Ben Andrews.

Mga Ulo ng Balita