1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

Ayoko ng matamis na spaghetti, balut, at dinuguan. Masama ba akong Pilipino?

Si Jim Agapito ay nasa isang cultural recovery mission sa bagong CBC podcast, radio series Recovering Filipino

May hawak na kahon ng Minute Rice si Jim Agapito sa loob ng kusina.

Nahihirapan ang Filipino-Canadian na si Jim Agapito na tangkilikin ang lutong Pilipino.

Litrato: Jim Agapito

RCI

Ang First Person artikulo na ito ay karanasan ni Jim Agapito, host ng bagong CBC Radio series and podcast na pinamagatang Recovering Filipino (bagong window). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa CBC First Person stories, tingnan ang mga FAQ (bagong window).

Isa akong hater: hater ng Filipino food.

Ayoko ng matamis na spaghetti, balut, at dinuguan.

There are exceptions to my rule, pero mas marami akong ayaw na dishes kaysa gusto. Ito ang problema.

Ang aking anti-Filipino food stance ang sanhi ng maraming misunderstanding at friction sa pamilya sa loob ng maraming taon.

Sa kulturang Pilipino, malaking bagay ang pagkain.

Ang pagkain ay expression ng pag-ibig kaya kapag ni-reject mo ang pagkain, nire-reject mo rin ba ang pagmamahal nila at ang iyong kultura?
Jim Agapito

Ang pagkain ang focus ng bawat get-together, mula sa mga casual meet-ups at picnics sa park, hanggang sa mga debut at lamay.

Ang bilang ng mga putahe ay laging mas marami kaysa sa tao sa party. Maraming tira na makakain mo pa ng ilang araw.

Sa loob ng maraming taon, umiwas ako sa mga family gatherings dahil ayaw kong ma-pressure at mabuyo na kainin ang mga putahe na hindi ko naman gusto. At ayokong magpaliwanag pa kung bakit.

Ang pagkain ay expression ng pag-ibig kaya kapag ni-reject mo ang pagkain, nire-reject mo rin ba ang pagmamahal nila at ang iyong kultura?

Dinuguan at pansit sa plato.

Ilan sa mga lutuing Pilipino ay ang dinuguan (kaliwa) at pansit (kanan).

Litrato:  Getty Images / Bill O'Leary/The Washington Post, Jeff Gritchen/Digital First Media/Orange County Register

Matutunan muli ang aking kultura

Ipinanganak ako sa Canada at ang magulang ko ay mga imigrante. Ako ay Filipino-Canadian, at isang beses lang ako bumisita sa Pilipinas, 31 taon na ang nakalipas.

Pero ngayon sinusubukan kong madiskubre ang aking Filipino side. Ginagawa ko ito para sa aking sarili, at para sa aking pamilya. Recovering Filipino (bagong window), ang bago kong CBC podcast at radio series, ay ang paraan upang maunawaan ko at mayakap ang aking kultura, simula sa mga lutuing Pilipino.

Ang Filipino sweet spaghetti ay isang misteryosong parte ng aking pagkakakilanlan. Wala ito sa aking hate list.

Maniwala ka, ang aking pagiging prangka ang sanhi ng kontrobersya sa aking pamilya. Hindi ako nag-iisa. Ilan sa aking pamilya ay may sarili ring kuwento tungkol sa post-traumatic-spaghetti-disorder na kanilang naranasan dahil pinilit silang kumain ng sickly sweet spaghetti na ito.

Iyon pala ang sweet spaghetti na ito ay may kinalaman sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang tradisyonal na style ng spaghetti ay ipinakilala sa Pilipinas ng mga Amerikano noong early 1900s nang sakupin nila ang bansa.

Nang magsimula ang World War II, hindi makapag-angkat ang Pilipinas ng kamatis kung kaya't gumawa sila ng alternative sa tomato sauce: banana ketchup. Gawa ito sa saging, suka, spices, at maraming asukal.

Sa totoo lang, hindi ko talaga ma-take ang sweetness ng Filipino spaghetti. Salamat na lang at hindi rin ito gusto ng nanay ko kaya hindi ako lumaki na kinakain ito.

Ngunit nang lumipat ang pinsan ko na si Kaye Galang sa Winnipeg mula Pilipinas noong 2013, isang friendly spaghetti war ang nagsimula sa bahay ng aking mga magulang. Suspetsa namin na dinadagdagan niya ng asukal ang spaghetti kapag hindi nakatingin si nanay.

Hindi lang sweet spaghetti ang pagkain na ayaw ko.

Habang lumalaki, tumanggi akong kumain ng maraming Filipino food dahil allergic ako sa seafood. Hindi matanggap ng nanay at mga tita ko na nagkakaroon ako ng post-seafood hives at iba pang unpleasant side effects mula rito. Patuloy nilang sinisingitan ng seafood ang plato ko at patuloy ko namang isinasantabi ang plato alang-alang sa sarili kong kapakanan at kalusugan.

Ang stew ay malaking bahagi rin ng lutuing Filipino. Isa akong biswal na tao at hindi maganda ang itsura ng stew. Walang appeal ang lutuin na ito para sa akin. Pass ako diyan. No, thank you.

Ang aking vegetarian years

Mahal din ng mga Pilipino ang kanilang karne.

Mula edad 17 hanggang 27, naging vegetarian ako at dun na nagkagulo ang pamilya.

Dalawang litrato ng pamilya ni Jim Agapito kasama ang kanyang pamilya at lola.

Pictured left: Ipinanganak si Recovering Filipino Jim Agapito sa Canada noong 1980. Pictured right: Kasama ni Agapito ang kanyang lola.

Litrato: Jim Agapito

Meron din namang well-intentioned interventions. Para sa aking high school graduation at birthday in early July, gumawa ng isang espesyal na bagay si lola para sa akin. Bumili siya ng pagkain na akala niya ay ang golden ticket sa puso ni Jimmy Boy: isang KFC fried-chicken feast.

Pagkatapos kong tanggihan ang alok niyang pagkain, sinabi ni lola Ayaw mo ng pagkain na ito, e di wag ka kumain, sabay alis.

Sinubukan akong amuhin ni lola with chicken sa loob ng isang dekada. Nanindigan ako at sa tingin ko nabasag ng kaunti ang kanyang puso.

Kinalaunan, nabago rin ang isip ko ng aking pamilya. Hindi na ako vegetarian, at kinakain ko na lahat ng fried chicken na binibigay sa akin ni lola. (Meron pa nga akong fried chicken tattoo sa hita ngayon.)

Malaki pa rin ang respeto ko sa aking mga vegetarian na kaibigan, at may mga pagkakataon pa rin na hindi ako kumakain ng karne sa loob ng matagal na panahon.

Kahit may common ground na kami ng aking pamilya, hindi ko pa rin makalimutan ang pangungutya nila sa akin for being plant-based for so long.

Pagtuklas sa mas maraming pagkaing Pilipino

Kaming mga Pilipino ay mahilig sa matamis, sa pinirito, sa pangit na pagkain ngunit masarap at hindi iyan magbabago.

Hindi ko alam kung kakain ako ng dinuguan, a.k.a. pork blood stew, o balut, a.k.a. a fertilized duck or chicken egg, anytime soon.

Kumakain na ako ng lumpia, pansit at dessert ni nanay, na love ko.

Chicken adobo at lumpia sa plato.

Pictured left: Chicken adobo. Maraming bersyon ng pagluluto depende sa rehiyon. Ginisang manok o baboy (o pareho) sa suka at toyo. Pictured right: Lumpia na maaaring gawa sa gulay, karne, baboy, hipon o kombinasyon ng mga ito.

Litrato: Getty Images / Jeff Gritchen/Digital First Media/Orange County Register

Bibigyan ko na ng second shot ang mas maraming klase ng Filipino food.

Iyon ang magandang bagay sa quest kong ito upang maunawaan ang aking kultura at pagiging Pilipino. Lumaki na ako at na-realize na maaaring napalampas ko ang mahahalagang bagay.

Ngayon simula ko nang naa-appreciate or at least nauunawaan kung ano ang ni-reject ko sa sarili kong kultura. Palagay ko iyan ang bagay that makes me a recovering Filipino.

Isang artikulo ni Jim Agapito (bagong window) na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita